Anong mga services ang inooffer ninyo?

Maaaring mag apply ng loan ang mga SSS, GSIS at AFP pensioners. Pwede din gamitin ang Innobank Inc. services para sa Phil. Coast Guards, Teachers Salary Loan, at Non-Teachers Salary Loan.

Ano-ano ang mga loan requirements?

I-click ang LINK na ito para sa kumpletong requirements sa type ng pension na meron ka.

Gaano katagal bago ma-aprubahan ang aking loan?

Ang loan processing ay tumatagal ng: Walk-In Client: Same day process LoanĀ By Mail: Ito ay tumatagal ng 10 working days depende sa pagdating ng dokumento through courier service, at Hatid Loan: Same day depende sa layo.

Kailangan ba ng co-maker upang makapag loan?

Ang pagkakaroon ng co-maker ay depende sa resulta ng initial evaluation ng loan processor.

Maaari ba ako pumunta sa kahit anong branch ng Innovative para kumuha ng sukli?

Oo, kailangan lamang ito ipagbigay alam sa iyong original branch kung saan ka kukuha ng iyong sukli.

Lumipat na ko ng tirahan, kailangan ko pa ba pumunta sa original branch ko?

Maaari kang pumunta sa pinakamalapit na branch sa iyong bagong tirahan upang makipag ugnayan sa original branch mo at mai-transfer ang iyong request. (CLICK HERE)

Maaari bang ma-process ang aking refund at loan proceeds kahit hindi ako pumunta sa branch?

Oo, maaaring makuha ang refund at loan proceeds through Hatid Loan, Loan by Mail, Remittance Center, at Innobank Cash Card. Makipag ugnayan lamang sa iyong branch. (CLICK HERE)

May kilala ako na pensionado na gusto mag loan, meron ba ko makukuha na komisyon?

Kami ay may Referral and Agent Program para sa mga nagnanais na gawing sideline ang paghahanap ng mga pensionado. Para sa mas detalyadong sagot, makipag ugnayan sa pinakamalapit na Innovative branch sa iyong lugar. (CLICK HERE)

Hindi ako makakapunta sa branch para kunin ang sukli, may iba pa bang paraan?

Maari mong makuha ang iyong sukli sa pamamagitan ng InnoBank ATM Card, Bank Deposit, at Remittance Center.

Gaano katagal ang aabutin ng ATM release?

Ito ay inaabot ng 5 - 7 working days para sa full payment or buyout ng loan.

Meron ba kayong hotline number maliban sa branch number?

Oo meron, maaari kang tumawag sa aming landine number (8835 - LOAN) o mag padala ng mensahe sa aming e-mail (inquiry@innovative.com.ph).

Kamag anak ako ng namatay na kliyente ng Innovative at gusto ko bayaran ang kanyang balance, paano ang proseso nito?

Maaari lamang mag padala ng Death Certificate sa branch kung saan siya kliyente o makipag ugnayan lamang sa branch kung saan ito naka loan.
(CLICK HERE)

Ano ang mangyayari kung sakaling biglang magbago ang health condition ng kliyente?

Ito ay kailangan ipag bigay alam sa branch kung saan ito naka loan. (CLICK HERE)

Maaari bang mag pa proseso ng loan o refund document sa kamag anak?

Oo, basta ito ay iyong magulang, kapatid, asawa, o anak na nasa wastong gulang na. Maaari lamang mag handa ng Authorization Letter at Valid ID. Maghanda lamang para sa mga additional requirements na maaaring hingin.

CONTACT US

Innovative Investors and Financing Co., Inc.

Landline: 02 (8835-5626)
Address: F. Castillo, Project 4, Quezon City, Metro Manila

Innovative Venture and Finance Corporation

Landline: 02 (8835-6196) & 02 (8835-6185)
Mobile: 0967-228-6514 (Globe) / 0921-824-6418 (Smart)